TIMBOG | Babae, arestado matapos magtangkang magpuslit ng droga

Taguig City – Arestado ang isang babae matapos magtangkang magpasok ng iligal na droga sa loob ng Bureau of Immigration Detention Center sa Bicutan, Taguig City.

Ayon kay Superintendent Enrico Rigor, Spokesperson ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PNP-DEG), aabot sa sampung gramo ng shabu ang nakuha sa suspek kung saan itinago niya ito sa maselang parte ng kaniyang katawan.

Nabisto lamang ng mga jail guards ang diskarte ng suspek nang magpunta ito sa banyo at doon inilabas ang dala-dalang iligal na droga.


Hindi muna pinangalanan ng mga pulis ang suspek para matukoy ang mga kasabwat nito sa loob ng detention center at ang source nito ng iligal na droga.

Facebook Comments