TIMBOG | Babae, arestado sa terminal 3 makaraang mahulihan ng hindi lisensyadong baril

Manila, Philippines – Inaresto ang isang babae sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 kaninang bago mag-alas 8 ng umaga makaraang mahulihan ng isang calibre 38 baril.

Ayon kay Engineer Bing Lina, terminal manager ng T3 nakumpiska mula sa itim na shoulder bag ng non passenger na si Grece Trespeces Castro ang nasabing kalibre ng baril sa entrada ng Gate 6 departure area.

Walang maipakitang permit to carry firearm ang suspek kung kaya’t siya ay inaresto ng mga otoridad


Palaisipan naman sa ngayon kung paanong nakapasok hanggang sa may departure area si Castro gayung hindi naman ito pasahero.

Inaalam na rin ang motibo nito sa pagdadala ng baril.

Hawak na ang suspek ng PNP Aviation Security group at nakatakdang ipagharap ng patung-patong na kaso.

Facebook Comments