TIMBOG | Babaeng drug courier ng isang ninja cop, huli!

Manila, Philippines – Arestado ang isang babaeng drug courier ng “ninja cop” sa buy-bust operation ng PNP at PDEA sa Sampaloc, Maynila.

Nadakip ang suspek matapos na aktong bentahan ng shabu ang isang undercover agent.

Nasabat sa kanya ang mahigit 600 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit apat na milyong piso.


Ang suspek ay courier umano ng dating pulis na si PO2 Jolly Lapus Aliangan na naaresto noong Mayo 2016 matapos makuhanan ng iligal na droga, 7-milyong pisong cash at mga armas.

Ayon sa PNP, sangkot pa rin sa iligal na droga si Aliangan kahit nakapiit na ito sa kulungan.

Facebook Comments