Manila, Philippines – Nadakip ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation Group o CIDG ang babaeng estapador na pangunahing suspek sa multi billion pesos investment scam.
Naaresto ito sa Nueva Viscaya Street Barangay Sto Cristo Quezon City.
Kinilala ang naarestong suspek na si Margarita Huang alyas “Margie” “Marita” o “Irma Pascual”.
Batay sa imbestigasyon ng PNP, buong pamilya ni Huang ang magkakasabwat sa milyon-milyong investment scam.
Ang asawa nito ay kinilalang si Gary Chen Huang, anak na babae na si Nicole Huang, anak na lalaki na si Conrad Huang at ang kanilang kalihim o Secretary na si Marivic Ifurung.
29 na mga inbibidwal ang nagreklamo sa CIDG matapos na mag-invest sa isang lending facility na nasa ilalim umano nang isang COMFOODS Incorporated.
Pangako nila sa kanilang mga investors ang 4 hanggang 15 porsyentong interest kada buwan depende sa halagang kanilang ibinigay o in-invest.
Taong 2015 nang magsimulang magtago sa kanilang mga investors ang mga suspek na nakakuha ng 130 milyong piso mula sa 29 na mga biktimang nagreklamo sa CIDG.
Nasampahan na kasong syndicated estafa ang mga suspek.
Paalala naman ni PNP Chief Police Director Oscar Albayalde sa publiko na huwag tatangkilin ang investment na may malaking pangakong interest dahil ito ay hindi totoo.