TIMBOG | Bise Alkalde sa Jabonga Agusan del Norte, inaresto matapos makuhaan ng iligal na droga

Manila, Philippines – Arestado ang isang Bise Alkalde sa Jabonga, Agusan del Norte na tinaguriang high value target makaraang mahulian ng hinihinalng shabu sa Agusan del Norte,

Kinilala ni PNP region 13 Dir, Chief Supt Gilbert Cruz ang naaresto na si Glecerio Monton, 45 taong gulang, bise alkalde ng Jabonga.

Ayon kay Cruz, ang pag-aresto kay Monton ay base na rin sa search warrant dahil sa umano ay paglabag sa ra 9164 o dangerous act of 2002 sa bahay ng bise alkalde sa P-4, Brgy. Poblacion, Jabonga.


Nakuha sa pag-iingat ng Bise Alkalde ang 60 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit pitong daang libong piso.

Pinangunahan naman ng Agusan del Sur Provincial Police Office at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 13 ang pagsalakay.

Inihahanda na ang kaso labang sa Bise Alkalde.

Facebook Comments