TIMBOG | Chinese national na tumangay ng pera ng tatlong kababayan nito, arestado sa Parañaque City

Parañaque City – Arestado ang isang Chinese national matapos na tangayin ang pera ng kaniyang mga kababayan sa Sucat, Parañaque City.

Nakilala ang suspek na si Sha Ran Cue na residente ng Pasay City.

Sa ulat, nasakote ang suspek habang naglalakad sa Old Sucat Road kung saan mismong ang mga nabiktima nito na sina Xiang Wang, Along Lee at Aaron Tan ang siyang nakakita dito.


Nabatid na tinangay ng suspek ang pera ng tatlo na tinatayang aabot sa 3.2 milyon piso habang nasa isang kainan sila sa lob ng mall sa Ermita, Maynila.

Sinasabing pawang mga casino financier ang tatlo at kanilang ginagawang runner ang naarestong suspek.

Facebook Comments