TIMBOG | Construction worker, huli matapos halayin at patayin ang kaniyang land lady

Quezon City – Kalaboso ang isang lalaking itinuturong pumatay at humalay sa babaeng kasama niya sa inuupahang bahay sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Rommel Formento, isang construction worker na pinauupa ng ama ng biktima.

Ayon kay Chief Inspector Elmer Monsalve, hepe ng Quezon City Police District (QCPD)-Criminal Investigation and Detection Unit, pinasok ni Formento ang kuwarto ng biktima at ginahasa ito saka inuntog-untog ang ulo sa sahig hanggang sa mamatay.


Aniya, kusa namang umamin ang suspek sa ginawang krimen at kusang nagpaposas sa mga awtoridad.

Paliwanag ni Formento, lasing at nakagamit siya ng ilegal na droga nang magawa ang krimen.

Dalawang kasamahan pa ni Formento ang iniimbestigahan ng QCPD para malaman kung may kinalaman rin sa krimen.

Kinasuhan ang suspek ng rape with homicide.

Facebook Comments