TIMBOG | Dalawang lalaki arestado sa ilegal na droga sa Manila

Manila, Philippines – Bumagsak sa kamay ng Manila Police District Station Drug Enforcement Team ang dalawang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng Sta. Cruz Police sa P. Margal Street Sampaloc, Maynila.

Nakilala ang mga suspek na sina Rowell Magparangalan at Brandon Clark, kapwa residente sa naturang lugar.

Nabatid na bumili ang mga operatiba ng station drug enforcement team ng MPD ng limang-daang pisong halaga ng marijuana mula sa mga suspek kaya at agad na inaresto ang mga ito.


Kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments