TIMBOG! | Dalawang sinibak na tauhan ng MTPB, arestado sa pangongotong

Manila, Philippines – Arestado sa entrapment operation ang dalawang sinibak na tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos magtangkang mangotong sa isang truck driver.

Kwento ng driver, hinihingan siya ng mga suspek na sina Josen Culianan at Richard Leechui nang P7,000.00 para hindi siya hulihin dahil walang plaka ang minamanehong truck.

Pero nang iabot ng driver ang sobreng naglalaman ng pera sa dalawa ay agad silang hinuli ng Manila Police.


Nabatid na hindi na konektado sa MTPB ang dalawa kung saan matagal na rin silang inirereklamo ng mga motorista.

Facebook Comments