TIMBOG | Hacker, arestado ng NBI

Manila, Philippines – Isang drop-out student at hacker ang inaresto ng NBI sa isang condominium unit sa Malate, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Kli Ban Agarrado, 21-anyos at tubong Iloilo.

Ayon sa NBI, gumawa ng mga bogus FB account ang suspek at nagpanggap na taga bangko.


Gumawa umano ng sariling website ang suspek gamit ang BDO upang doon dumulog ang ilang indibidwal at institusyon kung saan nakukuha nito ang kanilang mga impormasyon.

Nabatid na umaabot na sa halos isang milyong piso ang nakuha ng suspek mula sa 25 na mga biktima.

Facebook Comments