TIMBOG | Isa sa dalawang holdaper na nambiktima ng mga pasahero sa bus, arestado sa Mandaluyong City

Mandaluyong City – Arestado ang isang lalaki matapos mangholdap ng isang bus sa Edsa northbound kanto ng Reliance Street, Barangay Barangka Ilaya, Mandaluyong City.

Nakilala ang suspek na si Rommel Mercado habang nakatakas naman ang kanyang kasabwat na si Jerick Loyola.

Kwento ng mga biktima na sina Jerome Bernardino at Allysa Kaye, pagsapit ng bus sa Reliance Street ay nagdeklara ng holdup ang mga suspek.


Tinutukan sila ng mga ito ng patalim at kinuha ang kanilang mga cellphone pero napansin ng mga nakabantay na pulis-Mandaluyong ang pangyayari dahilan para masakote ang mga suspek.

Nabawi naman sa suspek ang cellphone ng mga biktima at patalim na ginamit sa krimen.

Facebook Comments