TIMBOG | Isa sa dalawang notoryus na holdaper na nambibiktima sa ilang lugar sa lungsod ng Maynila, arestado

Manila, Philippines – Arestado sa Cavite ang isa sa dalawang notoryus na holdaper na nambibiktima sa ilang lugar sa lungsod ng Maynila.

Nakilala ang suspek na si Ramon Villareal na tatlong beses na nakuhanan sa CCTV na nangho-holdap.

Ayon kay C/Insp. Ed Quano, Ng Sta. Cruz – MPD, nasakote nila ang suspek sa follow-up oepration kung saan sinabi nito na target nila ang mga biktima na nagsusuot ng mga mamahaling alahas.


Nakuha kay Villareal ang dalawang kalibre .45 na baril, isang granda, maraming i.d’s tatlong cellphone at isang kotse na may plakang UBC-489 na ginagamit nitong getaway vehicle.

Aminado naman ang suspek sa krimen at pinaghahanap na din ang kasabwat nito.

Facebook Comments