TIMBOG | Isang mangingisda, kalaboso matapos manggahasa ng menor de edad na babae sa Navotas City

Navotas City – Kalaboso ang isang 55-anyos na mangingisda matapos gahasain ang isang menor de edad sa Adelfa Street, Barangay Tanza Navotas City.

Kinilala ang suspek sa alyas na Freddie, residente sa nabanggit na lugar, habang kapitbahay lang daw nito ang biktima.

Sa imbestigasyon, nasa loob lang ng kanilang bahay ang biktima nang pasukin at takutin ng suspek saka isinagawa ang panghahalay.


Agad namang nakahingi ng tulong sa mga awtoridad ang biktima na nagresulta sa pagkakahuli sa suspek na todo tanggi sa paratang at sinabing may relasyon sila ng dalagita.

Facebook Comments