TIMBOG | Isang estudyante, nahulihan ng baril sa Taguig City

Taguig City – Nahaharap ngayon sa illegal possession of firearms at omnibus election code ang isang estudyante sa Taguig City.

Nakilala ang suspek na si Jonel Domingo, 25-anyos residente ng Naga Road ,Pulang Lupa, Las Piñas City

Sa ulat, isang concerned citizen ang tumawag sa mga pulis hinggil sa isang lalaki na may nakasukbit na baril sa kanyang baywang sa MRT Avenue, EP Housing, Phase 2, Barangay Pinagsama.


Agad na nagtungo sa lugar ang mga pulis kung saan nakuhanan ng caliber 45 pistol si Domingo na may lamang pitong buhay na bala.

Inaalam naman ngayon kung kanino naka-rehistro ang baril ni Domingo na kasalukuyan nang nakakulong sa Taguig City police.

Facebook Comments