Valenzuela City – Todo tanggi ang isang lalaki na nagbebenta siya ng iligal na droga matapos na masakote ito sa loob mismo ng kanyang bahay sa Barangay Vientereales, Valenzuela City.
Pero aminado ang suspek na si Jonjon Sarmiento alyas Poknat na gumagamit siya ng shabu at hindi naman niya masabi kung saan niya ito nakukuha.
Narekober mula sa bahay ni Sarmiento ang sampung plastic sachet na ng shabu at mga drug paraphernalia.
Nabatid na mismong kapitbahay ng suspek ang siyang nagsumbong sa mga pulis sa iligal nitong gawain dahil inuudyok daw ang kanilang mga anak na bumili sa kaniya ng iligal na droga.
Facebook Comments