TIMBOG! | Isang lalaking nagpapanggap na abogado, arestado ng NBI sa Caloocan

Caloocan City – Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki na nagpapanggap na isang abogado sa Caloocan.

Sa ulat, bukod sa pagpanggap na abogado, nag-aalok ng mga serbisyong notaryo at libreng kasal ang suspek na si Edgrado Rodriguez.

Sinalakay ng mga tauhan ng NBI ang mistulang law office ng suspek sa Barangay Bagong Silang matapos itong tumanggap ng marked money mula sa undercover agent kapalit ng pagnotaryo ng dokumento.


Iginiit naman ng suspek na si Rodriguez, may pahintulot daw siyang gamitin ang pangalan ng isang abogado at gumagamit pa ito ng titulong ‘reverend-engineer’ pero hindi naman ito totong engineer.

Facebook Comments