TIMBOG | Kilabot na snatcher sa QC, arestado

Quezon City – Arestado ang isang kilabot na snatcher sa Quezon City.

Isisilbi sana ng mga awtoridad ang arrest warrant laban suspek na si Arvin Cruz pero tinangka nitong tumakas.

Umakyat pa sa bubungan ang suspek para makatakas habang ang ilang kaanak ni Cruz tinangka pang pigilan ang mga pulis.


Pero nahuli rin kinalaunan ang suspek matapos ang habulan.

Ayon pa sa pulisya, walang pinipiling oras ang suspek para mang-agaw ng mga bag, cellphone at mahahalagang gamit ng mga biktima sa mga panulukan ng Luzon, Commonwealth at Tandang Sora sa Quezon City.

Ilang beses na ring nakulong si Cruz pero nakalaya dahil umatras ang ilang complainant matapos mabawi ang kanilang gamit.

Nagrekomenda naman ang korte ng P100,000 bilang piyansa para sa pansamantalang paglaya ni Cruz, na idedetine sa Quezon City Jail.

Facebook Comments