TIMBOG | Labingtatlong indibidwal, arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa Taguig City

Taguig City – Arestado ang 13 indibidwal sa mag kahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa Road 14, Maguindanao Extension Purok Barangay New Lower Bicutan, Taguig City.

Unang nahuli sa buy-bust operation sina Datumama Laguialali, Khomie Bandong, Tho Salik, Rakma Usman at Abdul Malik Mama.

Narekober mula sa mga ito ang walong sachet ng hinihinalang shabu na may street value na 215,000 Pesos, isang Kalibre .45 baril na magasin at may anim na bala, isang libong pisong buy-bust money at paraphernalia.


Samantala, sa tupada naman nadakip sina Buhare Pinagayao, Samsudin Dalgan, Avellana Akmad, Rahim Pudong, Esmael Guiamel, Griego Alon, Castro Mamintal At Akmad Makuyag.

Nakuha sa kanila ang dalawang manok panabong at 4,000 Pesos na bet money.

Facebook Comments