Manila, Philippines – Arestado ang isang 22-anyos na lalaki dahil sa kasong frustrated murder sa barangay 79, zome 10 sa Pasay City.
Kinilala ang suspek na si Gapor Salidigan Sampinit, taga-Parañaque.
Sa ulat, nagpapatrolya ang Baclaran police community precinct nang makarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril.
Nang rumesponde, naabutan nila sa lugar ang biktimang si Jonryl Esquivel na may tama ng bala ng baril sa paa habang nasakote naman ang suspek bitbit ang 45 caliber pistol na ginamit sa krimen.
Napag-alaman na plano talaga ng suspek na patayin si Jonryl dahil sa illicit o ilegal na relasyon nito sa kanyang pamangkin.
Facebook Comments