TIMBOG | Lalaki, kalaboso sa pagnanakaw ng isang kotse sa Valenzuela City

Valenzuela City – Arestado ang 21 taong gulang na lalaki matapos magnakaw sa loob ng kotse sa Villa Pariancillo Valenzuela City.

Kinilala ang suspek na si Eduardo Alcantara isang pedicab driver at residente ng Coloong II Valenzuela City.

Ayon sa may ari ng kotse, nagising ang isa niyang tauhan nang maaktuhan ang suspek na hinahalungkat ang kaniyang kotse.


Aniya, noong huhulihin na ito ng dalawa niyang empleyado ay bigla na lang bumunot ang suspek ng patalim pero buti nalang naagaw ang kutsilyo.

Nabawi mula kay Alcantara ang kinuhang gamit sa loob ng kotse kabilang na ang dash cam na nag kakahalaga ng pitong linong piso, pabango at mga barya

Nakakulong na ang suspek at nahaharap sa kasong Theft at Illegal Possession of Deadly Weapon.

Facebook Comments