TIMBOG | Lalaking hinihinalang gumagamit ng ilegal na droga, arestado

Manila, Philippines – Kalaboso ang isang lalaking hinihinalaang gumagamit ng ilegal na droga matapos na magwala at maghamon ng barilan sa Plaza Cervantes near corner Juan Luna Street, Binondo Maynila.

Nakilala ang suspek na si Sarip Amanodin 27-anyos, residente ng Barangay 383, Arlegui Street, Quiapo Maynila.

Ayon kay MPD Spokesman Police Superintendent Carlo Manuel nagsasagawa ng pagpapatrolya ang mga operatiba ng MPD Station 11 nang bigla lumapit sa mga pulis ang isang concerned citizen at ini-report ang lalaking nagwawala at naghahamon ng barilan.


Pagdating sa lugar kung saan nagwawala ang suspek agad na dinampot ng mga pulis si Amanodin kung saan nakuhanan siya ng improvised shotgun o sumpak.

Paglabag sa RA 10591 o Unlawful Possession of Firearms and Ammunition ang isinampa ng MPD laban sa lalaking nagwala.

Facebook Comments