TIMBOG | Lima, arestado sa iligal na pagsusugal

Laoag City – Arestado ang limang tao sa isinagawang anti-illegal gambling operation sa barangay 15 sa Laoag City.

Nakilala ang nadakip na sina Danilo Bruno, Charles Molina, Manilyn Magante, Rolan Domingo at Alvin Abadines.

Naaktuhan mismo ng mga otoridad ang pagsusugal ng mga suspek lalung-lalo na ang tinatawag na “pepito” o “lucky 7”.


Nakumpiska ng mga otoridad ang perang aabot sa P6,200.00 at isang set na baraha.

Facebook Comments