TIMBOG | Mag-asawang miyembro ng Maute-ISIS terrorist group arestado sa checkpoint operation sa Cagayan de Oro City

Cagayan de Oro City – Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at National Inter Agency Council o NICA ang mag-asawang miyembro ng Maute ISIS group sa Cagayan de Oro City kahapon.

Sa ulat ng PNP Region 10 Regional Director Police Chief Superintendent Timoteo Pacleb alas 4:50 ang naarestong mga Maute Members ay sina Eyadzhemar Abdusalam 26 anyos local Daesh, ISIS cell mula sa General Santos City at asawa nitong si Catherine Dianne Palmitos alyas Maryam Aisha isang Muslim convert nagsisilbing ISIS supporter at facilitator.

Narekober mula sa mga naarestong suspek ang fragmentation grenade, isang cal .45 pistol na may magazine at ammunition na nakalagay sa isang backpack.


Si Abdusalam ay graduate ng BS Nursing sa Notre Dame ng Dadiangas University (NDDU) sa General Santos City.

Naging presidente sya ng Muslim Students Organization (MSO).

Noong panahon ng Marawi siege na-monitor itong nagpapadala ng mga medical supplies sa Maute-ISIS Group.

Facebook Comments