TIMBOG | Magkasintahan, arestado matapos ipalaglag ang sanggol sa Silang, Cavite

Cavite – Kalaboso ang isang magkasintahan matapos na ipalaglag ng lalaki ang lima’t kalahating buwang gulang na sanggol na ipinagbubuntis ng babae sa Silang, Cavite.

Nakilala ang mga nadakip na sina Ashley Oliveros habang ginagamot sa Emilio Aguinaldo Memorial Hospital nanay ng sanggol na si Amanda Oligo.

Sa imbestigasyon, nagkasundo ang dalawa na ipalaglag ang sanggol kaya at uminom si Oligo ng isang tableta ng aspirin at coke saka sinabayan ng maraming tubig.


Nang lumabas ang sanggol mula sa sinapupunan ng nanay, agad itong inilibing ni Oliveros sa sementeryo ng Bulihan-Maguyam.

Nabuking ang pagpapalaglag sa baby nang isugod sa ospital ang ina at inamin ang ginawang abortion.

Facebook Comments