TIMBOG | Mahigit 80 personalidad, arestado sa iba’t-ibang paglabag sa Pasay

Pasay City – Puspusan ang isinasagawa ng Pasay City Police Station ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations o SACLEO sa iba’t-ibang lugar sa Pasay City.

Ayon kay Pasay City Officer-in-Charge Police Senior Superintendent Noel Flores mahigpit ang kanyang tagubilin sa kanyang mga tauhan na ipatupad ang kampanya kontra kriminalidad maging ang mga lumalabag sa mga ordinansa ay dapat paghuhulihin.

Paliwanag ni Senior Superintendent Flores na magkatuwang ang Station Drug Enforce Team, Intelligence Division, Special Regional Unit,Traffic Management Regional Unit at iba’t-ibang mga PCP Commanders sinuyod kanilang ang area of responsibility upang bantayan at arestuhin ang mga lumalabag sa batas at mga ordinansa sa lungsod na nagresulta ng pagkakaaresto ng 82 personalidad kabilang ang 12 lumabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act, 3 mayroong Warrant of Arrest,67 Violation of City Ordinances at 24 na inisyuhan ng Ticket Citation.


Dagdag pa ni Flores na nais nilang ipabatid sa publiko na hindi lamang sa ilegal na droga ang kanilang pinagtutuunan ng pansin maging ang mga maliliit na krimen ay tinututukan din ng pulisya upang mabawasan ang mga nangyayaring krimen sa lungsod.

Facebook Comments