Hong Kong – Naaresto na sa Hong Kong ang may-ari ng travel agency na nagbigay ng pekeng tickets sa higit 100 Overseas Filipino Workers (OFWs) na uuwi sana sa Pilipinas.
Hinuli ng Hong Kong Police si Rhea Donna Boyce, may-ari ng Peya Travel Agency, matapos ireklamo ng higit 600 biktima na karamihan ay mga dayuhan.
Bumili ang mga ito ng airline tickets pero wala silang nakuhang valid na tiket.
Umabot sa three milyon Hong Kong dollar o higit P19 milyon ang kabuuang halaga na nakuha ng nasabing travel agency.
Kinumpiska rin ng mga awtoridad ang ilang dokumento at computers sa Peya.
Facebook Comments