TIMBOG | Milyong-milyong pisong halaga ng mga unregistered cosmetics and beauty products, nasamsam

Quezon City – Hindi bababa sa sampung milyong piso na halaga ng mga unregistered cosmetics and beauty products ang sinamsam ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District at Food and Drugs Administration sa isang Condominium unit sa Quezon City.

Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng QCRTC Branch 95 sinalakay ang room 807 sa ikawalong palapag ng Cherry Orchard Suites sa kanto ng Saturn at Neptune St sa Barangay Tandang Sora na pag-aari ni Michelle Cablayan.

Ayon kay QCPD District Director Police Chief Supt Guillermo Eleazar, ang raid ay ginawa matapos makatanggap ng report na mayroong mga cosmetics at beauty products na ibenebenta on line na hindi rehistrado ng Food and Drugs Administration.


Kinumpirma din ng pulisya na magkaugnay ang raid ngayon sa naunang pagsalakay sa isang townhouse sa Barangay Paltok at Barangay Bahay Turo kamakailan kung saan naaresto ang negostanyeng si Lilian Marte at pitong iba pa at kabuuang halaga ng mga beauty products na nagkakahala ng 13.1 milyong piso.

Ang mga nahuling negosyante ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa section 11 ng republic act 9711 o mas kilala bilang food and drugs administrations act of 2009.

Facebook Comments