TIMBOG | Mister, arestado matapos gawing hostage ang kaniyang misis sa Pasay City

Pasay City – Kalaboso ang isang mister matapos gawing hostage ang sarili nitong misis sa Pasay City.

Sa ulat, muling nagkita ang suspek na si Areteo Lim at ang misis na si Meliza sa isang restaurant sa Macapagal Boulevard matapos ang tatlong taong paghihiwalay.

Biglang nagtalo ang mag-asawa at nauwi sa hostage ang insidente kung sana ikinulong ng mister ang ginang sa banyo ng restaurant saka nagbanta sa mga nais na tumulong na kaniya itong sasaksakin.


Mabilis namang nakapag­responde ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactics Unit at special Ope­ration Unit (SWAT-SOU) ng Pasay City Police kung saan matapos ang ilang minutong nego­sasyon ay boluntaryong sumuko ang suspek.

Facebook Comments