TIMBOG | Most wanted person sa Ilocos Sur, arestado

Caloocan City – Arestado ang isang dating barangay chairman na itinuturing na 2nd level high value target sa drug watch list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakilala ang suspek na si Renato Tengsico, 72 –anyos na most wanted person din sa Ilocos Sur.

Nasakote si Tengsico sa ginawang joint operation ng mga otoridad sa Barangay 179, Bagumbong, Caloocan City.


Ang nasabing suspek ay lider ng Tengsico-Cabreros Drug Group na sangkot sa bentahan ng iligal na droga sa ikalawang distrito ng Ilocos Sur.

Narekober mula sa kanya ang apat na sachet ng shabu na may market value na P20,000.

Facebook Comments