Oriental Mindoro – Naaresto ang isang lalaking nagpakilalang miyembro ng media makaraang mangotong sa isang punerarya sa Barangay Barcenaga, Naujan, Oriental Mindoro kahapon.
Kinilala itong si Clemente Rolando Comendador, residente ng Barangay Dinahican, Lucena City, Quezon Province.
Nagpakilalang roving reporter ng Pinoy Tribune ang Dyaryo ng Masa” at “Isyu Ngayon Kalipunan ng Napapanahong Balita”.
Ayon kay PNP MIMAROPA Spokesperson Superintendent Imelda Tolentino alas-4:20 ng hapon kahapon nakatanggap ng tawag ang Naujan Municipal Police Station mula sa isang Beatriz Osensao Austria ng Funeraria Naujan at isinumbong ang aroganteng pangongotong ng anim na libong piso ng suspek.
Agad na rumesponde ang mga pulis sa lugar kung saan narekober pa sa suspek ang maliit na transparent sachet ng hinihinalang shabu, anim na identification cards na ang iba ay nakasulat na “media”, cellphone at pera.
Sa ngayon nakakulong na ang suspek sa Naujan Municipal Police Station at nahaharap sa kasong extortion at paglabag sa kasong Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.