TIMBOG | Nagpanggap na PNP at PDEA agents, arestado; P250k halaga ng shabu, nakumpiska

Sultan Kudarat – Huli ang apat katao na nagpakilalang mga police assets at PDEA agents na nakumpiskahan pa ng P250,000 na halaga ng shabu sa isinagawang operasyon sa Tacurong City, sa probinsiya ng Sultan Kudarat.
Sa impormasyong mula kay PDEA 12 Director Valente G. Cariño, pasado alas 9 ng gabi noong February 12 ng ikasa ang operasyon sa Obra Subdivision, Barangay Griño resulta sa pagkakaaresto ng mga suspek na sina Jude Dela Cruz Y Dindong alias Jude, 35-anyos, businessman, residente ng Apilad Subd., Brgy. Poblacion, Tacurong City; Zenaida Teves Y Raguindin Alias Inday, 40-anyos, jobless, residente ng Brgy. Saranay, Tacurong City, Joemar Gregorio Y Avilino alias Chin-Chin, 33-anyos, jobless, residente ng Brgy. Poblacion, Tacurong City, at Joey Paciente y Robino alias Jojo, 37-anyos, jobless, at residente ng New Isabela, Tacurong City.
Nakumpiska sa pag-iingat ng mga suspek ang 51 grams ng methamphetamine hydrochloride o shabu.
Pahirapan naman ang naging paghuli sa kanila dahil sila ay nagpapakilala pang mga PNP at PDEA assets.

Facebook Comments