Manila, Philippines – Kalaboso ang isang lalaki matapos na magpanggap na pulis at mang-holdap sa Quezon City.
Kinilala ang suspek na si Mark Anthony Verbo, residente ng Bistekville 6 sa Fairview.
Nahuli si Verbo matapos ireklamo ng pangho-holdap sa kanto ng Edsa at Nia road.
Nakuha sa kanya ang isang patalim at motorsiklong may sticker pa ng mga letrang QCPD.
Agad din siyang sinampahan ng kasong theft.
Facebook Comments