TIMBOG | Number 7 high value target ng Dipolog City police, arestado sa buy-bust operation

Dipolog City – Tinatayang P300,000 halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Rizal Avenue, Barangay Central sa Dipolog City.

Naaresto naman sa operasyon ang suspek na si Diouric Gonzales Guibelondo, 27-anyos at residente ng nasabing lugar.

Nabatid na nasa number 7 high value target ng Dipolog City Police at number 4 naman sa listahan ng PDEA Region 9 ang suspek.


Narekober sa suspek ang dalawang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at isang box ng condom na nagsisilbing container ng shabu.

Nakuha rin rito ang P500 na marked money na ginamit sa operasyon.

Facebook Comments