TIMBOG | Pitong taong sangkot sa vote buying, arestado sa Lucena City

Lucena City – Huli ang pitong tao matapos makuhanan ng sample ballot na may nakaipit na pera sa Purok Kwatro Dulong Buhangin, Barangay Dalahican sa Lucena City.

Sa imbestigasyon, nakatanggap ang pulisya ng impormasyon mula sa ilang mga residente na may nagaganap na pamimili ng boto sa lugar.

Agad nilang pinuntahan ang lugar at bumungad sa kanila ang ilang taong may dalang shoulder bag na naglalaman ng mga envelope na may lamang sample ballot at pera.


Inihahanda na ng pulisya ang kasong illegal possession of campaign materials laban sa mga arestado.

Facebook Comments