TIMBOG | Pulis, arestado dahil sa paglalaro ng baccarat sa casino

Parañaque City – Kalaboso ang isang aktibong pulis dahil sa paglalaro ng baccarat sa loob ng isang hotel and casino sa Parañaque City.

Kinilala ang pulis na si Supt. Adrian Antonio, 35-anyos at naka-assign bilang administrative officer sa office of the directorate for operations sa Camp Crame, Quezon City.

Alas 10:55 kagabi nang mahuli siyang naglalaro sa City of Dreams kung saan narekober sa kanya ang nasa P600,000 halaga ng casino chips.


Iniharap siya sa media kanina ni NCRPO Chief Director Oscar Albayalde kung saan ipinakita rin ang mga larawan niya habang naglalaro ng baccarat.

Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabawal sa mga government officials na maglaro o kahit pumasok man lang sa mga casino.

Facebook Comments