TIMBOG | Security Guard, arestado matapos mangikil sa Taguig City

Taguig – Arestado ang isang security guard ng isang mall matapos mangikil sa isang magkaibigan sa Taguig City.

Sa ulat, naghihintay lamang sa parking lot ang magkaibigan nang lumapit at kinikilan sila ng suspek na si Eugene Serdan matapos silang pagbintangang nagtatalik sa loob ng kotse.

Dito na nanghingi ang gwardya ng limang libong piso sa mga biktima.


Sa ikinasang entrapment operation, nahuli ang suspek matapos i-abot ang marked money.

Kakasuhan ng robbery with violence at illegal possession of firearms ang suspek.

Facebook Comments