Manila, Philippines – Naaresto na ng mga tauhan ng Antipolo PNP ang suspek sa pagpatay sa isang pulis na si Police Officer 3 Don Carlo Mangui kahapon.
Ang suspek ay kinilalang si Crispin Pormal Corpin residente ng Barangay Dela Paz Antipolo City na naaresto sa San Isidro Antipolo Rizal kahapon ng ng umaga.
Ayon kay CALABARZON Regional Director Police Chief Supt Guillermo Eleazar ang pagkakaaresto sa suspek ay dahil sa walang tigil na manhunt operation laban dito.
Matatandaang pasado alas-1:00 ng madaling araw noong May 20 nang pagbabarilin ng suspek ang biktima habang nasa labas ng kanyang bahay kasama ang kanyang kaibigan dahilan nang kanyang agarang kamatayan.
Ang suspek ay iprinisenta mismo ni PNP Chief Oscar Albayalde sa media sa Camp Crame.
Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP na ang motibo sa pamamaslang sa biktima ay dahil sa pagsusumbong umano nito sa PDEA kaya sunod sunod ang drug operation sa kanilang lugar sa Antipolo City.