TIMBOG | Suspek sa panghahalay sa isang Grade 5 pupil, arestado sa Pasig

13

Pasig – Bumagsak sa kamay ng mga tauhan Pasig City Police Station Intelligence and Follow Up Unit ang isang rape suspect sa Grade 5 Pupil sa Barangay Maybunga Pasig City.

Nakilala ang suspek na si Peter Paul San Pedro, 19 anyos at residente ng Block 19, Sitio Waray,Plaza Aldea, Tanay Rizal.

Ayon kay PO1 Liezl Matro naaresto si San Pedro sa Damayan Brgy.Maybunga, Pasig matapos nag sunod-sunod na isinasagawang surveillance operations ng pulisya at sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Maria Rowena Bisto ng Pasig RTC Branch 158 sa kasong “Statutory Rape’’ sa ilalim ng Art.226-A ng RPC.

Napag-alaman na si San Pedro ay suspect sa panghahalay na kinasasangkutan ng isang 10 taong gulang na grade 5 pupil ng Pasig City.

Nakapiit na sa Pasig City Police Station ang akusado habang nakabinbin ang mga kakailanganing makumpletong mga dokumento na isusumite sa Korte.

Facebook Comments