TIMBOG! | Tatlo, arestado sa buy-bust operation sa Marikina

Marikina City – Arestado sa buy-bust operation ang tatlong tulak ng droga sa isang apartelle sa Marikina City.

Kinilala ang mga suspek na sina Cris Jean Bitonio, Bernabe Bitonio at Arjay Dela Rosa, pawang mga residente ng Barangay Tumana.

Nadakip ang mga suspek sa Yin and Yang budget rooms for rent sa Barangay Marikina Heights na ginagawa nilang drug den.


Narekober sa kanila ang labing-isang plastic sachet ng shabu, ₱500 buy-bust money, timbangan at mga drug paraphernalia.

Samantala, patay naman matapos na manlaban sa mga pulis ang isang drug suspect sa Barangay Tambo, Parañaque City.
Nakuha mula kay alyas ‘Tarat’ ang ginamit niyang baril at ilang sachet ng shabu.

Facebook Comments