TIMBOG | Top 2 most wanted person, arestado sa Mandaluyong City

Mandaluyong City – Bumagsak na sa mga tauhan ni District Special Operations Unit Police Superintendent Frankie Candelario, Chief, DSOU ang pangalawa sa listahan ng Eastern Police District’s na Most Wanted Person sa Talumpong St., Barangay Malamig, Mandaluyong City.

Kinilala ang suspek na si Gerry Manalo, 43 anyos residente ng 258 Talumpong St., Barangay Malamig, Mandaluyong City.

Si Manalo ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ni Honorable Judge Jaime Fortunato A Caringal ng RTC Branch 278, Mandaluyong City.


Ayon kay EPD District Director P/Chief Supt. Reynaldo Biay si Manalo ay suspek sa shooting incident na nangyari noong September 24, 2016 sa, Calbayog St., corner M. Guevarra St., Barangay Highway Hills, Mandaluyong City na nagresulta ng kamatayan ni Antonio Silverio residente ng Barangay Prinza, Teresa, Rizal at Jason Bocalbos ng Barangay Palistina, Camarines Sur na ikinasugat ni Sharifa Gilan residente ng Barangay Kalayaan, Angono Rizal.

Napag-alaman din na si Manalo ay nasasangkot din sa, illegal drug trade sq Mandaluyong City at kalapit lugar kung saan kasabwat nito si Ricardo Luistro, Jr. a.k.a Baldo.

Si Manalo ay positibong itinuro ng biktimang si Sharifa Gilam na isa sa bumaril sa kanila habang sila ay sakay ng ford ranger at binabagtas ang kahabaan ng Talumpong St., Barangay Malamig, Mandaluyong City na makikipagkita sana kay alias Baldo sa Bingo Office sa Calbayog St., corner M. Guevarra Street., Barangay Highway hills, Mandaluyong City.

Nagpapatuloy ang man hunt operation na isinagawang mga otoridad sa posibleng ikadarakip kay Ricardo Luistro, Jr. alyas Baldo at iba pang kasangkot nito.

Facebook Comments