TIMBOG | Tumatakbong barangay councilor sa Quezon City, arestado dahil sa patung-patong na kaso

Manila, Philippines – Arestado ang isang kumakandidatong barangay counsilor sa Tatalon, Quezon City na wanted sa patung-patong na kaso gaya ng estafa at illegal recruitment.

Hindi pa agad sumama ang suspek na si Alejandro Navarro sa Criminal Investigation And Detection Group-Anti Transnational Crime Unit (CIDG-ATCU) at inutusan pa ang kanyang driver na sagasaan ang mga awtoridad.

Ayon kay CIDG-ATCU Chief Superintendent Roque Merdegia Jr., nanuntok pa umano ang mga bodyguard nitong kinilalang sina Wilfredo Lico at Rolando Formanes.


Nahaharap na ngayon si Navarro sa mga karagdagang kaso gaya ng resisting arrest, direct assault at obstruction of justice.

Facebook Comments