Time limit sa pagboto sa May 9 election, ipinanukala ng DOH

Inirekomenda ng Department of Health (DOH) sa Commission on Elections (COMELEC) na magtakda ng “time limit” para sa mga botante habang sila ay nasa loob ng polling precint.

Paliwanag ni DOH Spokesperson at Usec. Maria Rosario Vergeire, ang matagal na pamamalagi sa enclosed at crowded area ay mataas ang tyansa na magkaroon ng hawaan ng COVID-19.

Giit ni Vergeire, minsan ay matagal ang ating mga kababayan sa loob ng polling precint kaya dapat na bigyan lang sila ng sampu hanggang labing limang minuto para bumoto.


Hindi rin inirekomenda ni Vergeire na tumambay pa sa labas ng mga paaralan at agad ng dumiretso sa kanilang bahay pagtapos nilang bumuto.

Ang hakbang na ito ng DOH ay para maiwasan na mangyari ang babala na posibleng magkaroon ng COVID-19 surge matapos ang halalan sa May 9.

Facebook Comments