TIME OUT MUNA | Harden ng Houston Rockets, tigil laro muna

Sports – Posibleng mag-time out muna sa susunod na laro ng Houston Rockets ang top scorer nito na si James Harden.

Kasunod ito ng tinamo niyang hamstring strain sa huling laban sa Los Angeles Lakers kahapon.

Dahil banta sa koponan ang pansamantalang pagliban ni Harden, magdo-double effort ngayon ang Rockets para sa laban nila sa Orlando magic sa January 4, oras dito sa Pilipinas.


Umaabot sa 20 points kada laro ang naiaambag ni Harden.

Kasalukuyan namang nasa 2nd spot ng Western conference ang Houston.

Facebook Comments