“Timely” na pagbibigay ng allowance sa mga healthcare workers, iginiit ng isang senador sa DOH

Pinaalalahanan ni Senate Health Committee Chairman Senator Christopher Bong Go ang Department of Health (DOH) na tiyakin ang “timely” na pagbibigay ng allowance sa mga healthcare workers sa buong bansa.

Giit ni Go sa DOH, marami pang backlog ng mga payables ng health emergency allowance na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatanggap ng mga healthcare workers.

Nababahala ang senador na posibleng natambakan pa ng mga backlog ng mga nakalipas na taon ang mga health emergency allowances na hindi nababayaran.


Apela ni Go sa DOH at sa Department of Budget and Management na madaliin ang paglalabas ng pondo para rito.

Dagdag pa ni Go, ang naturang benepisyo ay napakaliit lang kung ihahambing sa matinding sakripisyo na ginawa ng mga healthcare workers para sa bayan lalo na noong panahon ng pandemya.

Facebook Comments