Timely reporting ng COVID-19 labs, ire-require na – DOH

Inaatasan na ang lahat ng laboratory na regular na mag-report para matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon kasabay ng pagpapaigting ng pamahalaan sa COVID-19 testing capacity ng bansa.

Binigyang diin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang kahalagahan ng “anticipation.”

Layunin nitong makapagsagawa ng imbentaryo sa mga supply para makapaghanda ang mga ito sa kanilang arawan o lingguhang pangangailangan.

Sa tulong ng T3: Test; Trace; at Treat, mabilis na matutukoy ang supplier para sa mga laboratoryo.

Facebook Comments