TIMETABLE | Bicameral conference committee, naglatag na ng timetable

Manila, Philippines – Naglatag na ng timetable ang bicameral conference committee para sa isinusulong na Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, target nilang tapusin at aprubahan ngayon ang Bangsamoro in the Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Kapag nasunod ang pag-apruba ng BARMM ngayong araw at napirmahan na ng Pangulo sa SONA nito sa Lunes, posibleng sa Nobyembre ay magsasagawa na ng plebesito para sa magiging Bangsamoro Region.


Sa Disyembre naman ay itatalaga na ang mga bubuo sa magiging Bangsamoro Transition Authority (BTA).

Plano namang isabay sa 2022 national elections ang halalan para sa Bangsamoro Region.

Tiwala si Zubiri na wala ng resistance sa mga probisyon na nakapaloob sa working draft para sa BARMM.

Sinabi pa ni Zubiri na ang araw na ito ay ginawa ng Diyos para sa lahat lalo na sa mga taga Mindanao at maituturing na “sign” ang pag-apruba sa BBL para sa pagtatapos ng gulo sa rehiyon.

Facebook Comments