Manila, Philippines – Iniatras na ng Kamara ang orihinal na timetable para sa pagpapatupad ng tax reform package ng Duterte administration.
Sa ilalim ng orihinal na timetable, sa unang araw ng Hulyo ng tanong kasalukuyan maipapatupad dapat ang reporma sa pagbubuwis.
Pero, ngayong Miyerkules pa lamang maaprubahan sa ikalawang pagbasa ang panukala at tiyak na maraming amyenda sa probisyon ang ilalatag dito ng mga mambabatas na nagaalangan sa panukala.
Sinabi ni House Ways And Means Committee Chairman Dakila Carlo Cua na maaaring maipatupad ang unang sigwada ng tax reform sa Nobyembre o sa mga huling buwan na ng 2017.
Sakali namang hindi pa rin dito aabot, maaaring maiatras ito sa mga unang buwan ng 2018.
Ayon kay Cua, alam nilang sensitibo ang usapin ng pagbubuwis lalo na sa mga politiko pero nakatitiyak silang makikinabang naman dito ang taumbayan.
Mamaya sa sesyon ay iisponsoran na ito ni Cua sa plenaryo para sa pagapruba sa second reading.
DZXL558, Conde Batac