
Kinukwestyon ni Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno kung bakit ngayon lang nagsasagawa ng inspeksyon ang Department of Health o DOH sa mga health facilites.
Ayon kay Diokno, lumalabas na kumilos lang ang DOH matapos lumabas ang isyu sa umano’y mga ghost o hindi nag-ooperate na mga Super Health Centers o SHC.
Pahayag ito ni Diokno, kaakibat ng kanyang post sa Facebook page ng video kung saan maririnig na sinabi umano ni Health Secretary Ted Herbosa na [at least tayo ang nag-expose at bahala na ang LGU na magpaliwanag.
Ipinunto ni Diokno na bilyun-bilyong piso na pera ng taumbayan ang ginastos sa naturang proyekto kaya bilang due diligence ay dapat noon pa ginawa ng DOH ang pag-iinspeksyon.
Facebook Comments









