Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalabas ng pelikula ng senatorial aspirant na si dating BuCor Chief Ronald Dela Rosa.
Tampok sa “Bato: The General Ronald Dela Rosa Story” ang buhay ng dating PNP chief na inilabas na sa mga sinehan bago magsimula ang election campaign period sa susunod na dalawang linggo.
Batid ng Pangulo na kinukwestyon ang ‘timing’ ng paglalabas ng pelikula subalit ito ay pagbibigay pagkilala lamang sa isang pulis o sundalo ng bansa.
Ayon kay Dela Rosa – na-enjoy ng Pangulo ang pelikula at binati siya para rito.
Natawa pa ang Pangulo kung paano gampanan ni Efren Reyes ang kanyang papel noong siya pa ay alkalde ng Davao City.
Bukod sa Pangulo, dumalo rin sa premiere night sina Senador Koko Pimentel at Manny Pacquiao.
Nandoon din ang aktor na si Robin Padilla na gumanap kay Dela Rosa sa pelikula.