Timing ng pagsasampa ng reklamo ni Atty. Jude Sabio laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court, kinuwestyon ng Malakanyang

Manila, Philippines – Kinuwestyon ng Malakanyang ang timing ng pagsasampa ng reklamo ni Atty. Jude Sabio laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, gusto lang ni Sabio na gumawa ng negatibong balita sa harap ng nalalapit na ASEAN Summit sa bansa.

Naniniwala rin si Abella na hindi magtatagumpay ang reklamo.


Maliwanag din aniyang gusto lang ni Sabio na pahiyain ang Pangulo at siraan ang gobyerno ng Pilipinas.

Facebook Comments